MOU para sa kaparatan ng mga Pilipinong manggagawa, dapat pa-aprubahan muna sa Kuwait bago alisin ang Deployment ban
Umaapila ni Senador Manny Pacquiao sa Department of Labor and Employment o DOLE na huwag tanggalin ang deployment ban hangga’t hindi lumalagda ang Kuwaiti government sa Memorandum on Understanding sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay ibinigay ng gobyerno sa Kuwait dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin inaaprubahan.
Nakapaloob sa kasunduan ang mga karapatan at proteksyon ng mga Migrant workers gaya ng sapat na pahinga at paghawak ng kanilang mga pasaporte at iba pang travel documents.
Nangangamba si Pacquiao na kung hindi lalagdaan ng Kuwaiti government ang MOU, magpapatuloy ang mga kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa mga domestic workers.
Nauna nang nabunyag sa pagdinig ng Senado kahapon na bukod kay Joanna Demafelis at pitong OFW na namatay sa nakalipas na dalawang buwan, mayroon pang 196 na Pinoy migrant workers ang namatay sa Kuwait sa nakalipas lamang na tatlong taon.
Ulat ni Meanne Corvera
================