Pagtawag ng US Intel kay Pangulong Duterte bilang security threat, isang banta
Naniniwala si Political Analyst Ramon Casiple na maituturing na babala kay Pangulong Duterte ang pagbilang sa kaniya ng US Intelligence community bilang security threat ng Amerika.
Ayon kay Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Economic reform, tila sinasabi ng US Intel community na maaaring palitan si Duterte.
Batay sa worldwide threat assessment na isinumite sa US Congress ng director ng US National Intelligence, tinukoy ang pagiging banta ni Duterte at ang kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa droga, katiwalian at krimen.
============
Please follow and like us: