Bagong guidelines sa mga resort sa bansa, nakatakdang ipalabas kasunod ng problema sa Boracay

photo credit:lakwatseradeprimera.com

Maglalabas ng kautusan ang Department of Tourism o DOT na naghihigpit sa mga magbubukas ng resort sa Pilipinas.

Ayon kay DOT Assistant Secretary Ricky Alegre, oobligahin ang mga magbubukas ng resort na magkaroon ng water treatment facility.

Ginawa ni Alegre ang pahayag kasunod ng sinabi ni Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu na pagkatapos ng Boracay, pagtutuunan naman nila ng pansin ang Panglao Island sa Bohol.

Ang mga nakatayo aniyang mga resorts na wala pang water treatment facility ay bibigyan ng anim na buwan para magkaroon ng pasilidad.

Ayon kay Alegre, nakita ng mga turista na seryoso ang pamahalaan na protektahan ang mga tourist destination sa bansa.

 

===========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *