Malakanyang, aminadong nababahala sa statement ng US Intel laban kay Pangulong Duterte
Aminado ang Malakanyang na nababahala sila sa pinalulutang ng US Intelligence Community na nagsasabing banta si Pangulong Rodrigo Duterte sa demokrasya at karapatang pantao sa South East Asia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may reputasyon ang US Intelligence Community ng pagpapatalsik sa pamahalaan ng ibang bansa kaya’t hindi maiiwasang maging palaisipan sa Malakanyang ang posibleng agenda sa likod ng asessment sa Pangulo.
Inihalimbawa ni Roque ang naging kaso ng lider ng Nicaragua na si Daniel Ortega na tinangkang patalsikin sa puwesto ng CIA.
Naniniwala naman ang Malakanyang na walang kinalaman si US President Donald Trump dahil siya mismo ay hindi kasundo ang intel community ng Estados Unidos.
Ulat ni Vic Somintac