Mas mabigat na parusa sa Hazing, aprubado na sa Bicameral conference committee

Lumusot na sa Bicameral conference committee ang mga magkakaibang bersyon sa panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa Hazing at anumang pagtatangka na magkaroon ng cover-up.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, nagkasundo ang mga miyembro ng Kamara at Senado na paigtingin pa ang parusa sa Republic Act 8049 o Anti- Hazing law.

Sa  inaprubahang bersyon ng Bicam, isasama na sa mapaparusahan ang sinumang magtatakip o cover up sa nangyaring hazing.

Sa bagong bersyon ng Anti hazing law, pareho lang ang ipapataw na parusa o Reclusion Perpetua sa mga taong nagsagawa ng hazing at mga opisyal o miyembro ng Fraternity na hindi sumama o lumahok sa actual hazing.

Kasama sa Hazing ang physical, mental, emotional at psychological torture.

Sa susunod na linggo inaasahang mararatipikahan ng Kamara at Senado ang panukala saka isusumite sa Pangulo.

Sinabi ni Lacson na ipinursige nila ang batas para hindi na maulit ang kaso ni UST Law student Horacio Atio Castillo III na pinahirapan at napatay sa hazing rites ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity sa Sampaloc, Maynila.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *