Isang holdaper, patay sa Police operation sa Caloocan City
Nadakip ng mga miyembro ng PNP-Caloocan ang isang holdaper matapos mambiktma ng isang babae sa harap ng convenience store sa Edsa, Caloocan kaninang madaling-araw.
Kinilala ang suspect sa alyas na “Tangkad”, isang notorious holdaper sa lugar.
Ayon sa babaeng biktima, nag-aabang siya ng masasakyan sa harapan ng convenience store nang bigla na lamang may lumapit sa kaniya na riding-in-tandem at dito na siya tinutukan ng baril.
Sa takot, hindi na siya kumibo pa at ibinigay na lamang niya ang kaniyang bag sa mga suspect na naglalaman ng pera at mga IDs.
Matapos maisagawa ang hold-up, napansin ng nag-iikot na beat patrol ng PNP-Caloocan ang biktima at nang malaman ang katatapos na insidente ng pangho-holdap, kaagad nilang hinabol ang mga suspect.
Ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspect ay namataan sa Barangay 160, Caloocan kaya nagkaroon ng lead ang mga pulis kung saan ito susundan.
Natunton ang isa sa mga suspect sa madilim na bahagi ng lugar at sinubukan pa umano ng suspect na manlaban kaya inunahan na ito ng mga pulis.
Nakatakas naman ang driver ng na-corner na suspek na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.
Ayonk ay Police Senior Supt. Jemar Modequillo, Caloocan City police chief, maituturing na notorious holdaper ang suspect at tila sanay na umano ito sa ganung gawain.
Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala at kalibre 38 na baril at nakuha rin sa suspect ang bag ng biktima na katatapos lang nilang holdapin.
Pinaghahanap pa sa ngayon ang kasama ng napatay na holdaper.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us: