Rabies awareness month, ginugunita….Bilang ng mga nabiktima ng rabies, bumaba

Hangad ng Department of Health o DOH na maging free rabies ang Pilipinas pagsapit ng 2020.

Ngayong Marso, ginugunita ang Rabies awareness month batay na rin sa Presidential Proclamation No. 84, series of 1999.

Ito ay sa pamamagitan ng temang “Barangay Kaagapay, laban sa Rabies, tagumpay”.

Ayon kay Dr. Ronnie Domingo, Bureau of Animal Industry Director, bumaba ang kaso ng mga nabibiktima ng rabies ayon na rin sa datos na kanilang natanggap.

Aniya, dati rati ay nasa 300 ang nabibiktima ng rabies virus taun-taon ngunit ngayon ay nasa mahigit 200 na lamang.

Ang rabies kaso kahit virus yan, walang antibiotic na gamot dito. Ang tanging solusyon para maiwasan na magkaroon ng rabies kayo o ang alaga ninyo ay mapabakunahan sila ng Rabies vaccine sa lalung madaling panahon”- Dr. Ronnie Domingo

Sa ngayon aniya, ang lalawigan pa lamang ng Siquijor sa Central Visayas ang deklaradong rabies-free ng DOH.

Sinabi pa ni Domingo na mahalagang nababakunahan ang mga alagang hayop partikular ang aso na siyang pinakamaraming insidente ng rabies virus.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *