Puerto Princesa underground river o PPUR, nakatakda na ring inspeksyunin ng DENR
Iinspeksyunin na rin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang Puerto Princesa Underground river o PPUR.
Kaugnay ito ng patuloy na pagpapatupad ng pamahalaan ng paghihigpit sa batas na nagbibigay proteksyon sa kalikasan.
Tinututukan ngayon ng DENR ang El Nido sa Palawan na susundan din ng bayan ng Coron.
Isa-isa nang minomonitor ng DENR ang mga tourist destinations sa bansa.
===========
Please follow and like us: