Pangulong Duterte imposible umanong minanipula ang eleksyon noong 2016
Naniniwala si Senador Grace Poe na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-manipula ng umano’y dayaan sa nakalipas na eleksyon.
Kasunod ito ng alegasyon ni Senador Vicente Sotto na may nangyaring anomalya sa 2016 elections katunayang nagkaroon ng maagang transmital ng boto.
Ayon kay Poe, imposibleng ang Pangulo ang nagmanipula ng eleksyon kahit malayo pa ang lamang nito sa isa sa mga malapit na contender na si dating Secretary Mar Roxas.
Katwiran ni Poe, hindi kabilang si Duterte sa Ruling coalition at wala itong kakayahang panghimasukan ang magiging resulta ng halalan.
Masyado aniyang malayo ang margin of votes at posibleng mas malaki pa ang lamang ni Duterte sa mga kalaban nito kung hindi namanipula ang halalan.
Pabor si Poe na imbestigahan ang nangyaring anomalya para hindi na maulit sa susunod na eleksyon.
Ulat ni Meanne Corvera