Promotion ng 9 Senior officers ng AFP, lusot na sa Commission on Appointments

Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang promosyon ng siyam na Reserve Senior Military officers ng Armed Forces of the Philippines.

Walang tumutol at humarang sa appointment ng mga opisyal na kinabibilangan ng mga senador at kongresista.

Mula sa ranggong Lt. Colonel, na-promote bilang mga full pledge colonel sina Senador Loren Legarda, Manny Pacquiao, House Speaker Pantaleon Alvarez, House majority leader Rodolfo Fariñas, Deputy speaker Gwendolyn Garcia, Cavite representative Roy Loyola at Maguindanao Congresswoman Bai Sandra Sema.

Kasama rin sa na-promote ang dalawa pang military officials na sina Major Gen. Rene Glen Paje at Col. Marlyn Agabas.

Kasama sana sa mapo-promote si Representative Joel Mayo Almario pero hindi naihabol ng Philippine Air force ang papel nito sa mga isinumite kay Pangulong Duterte.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *