Kamara, malabo pang pagbotohan bukas ang Impeachment kay Chief Justice Sereno

Imposible pa umanong maiakyat sa senado ang Articles of Impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House speaker Pantaleon Alvarez, kahit mapagbotohan at maaprubahan bukas ang impeachment case laban kay Sereno sa Committee on justice, hindi pa ito maaring isalang sa botohan sa plenaryo.

Kailangan pa aniya itong idaan sa proseso bukod pa sa matagal na proseso ang paggawa ng Articles of impeachment.

Gagahulin aniya sila sa panahon dahil dalawang linggo na lamang ang nalalabi sa sesyon.

Kailangan aniyang maging maingat sa paggawa ng Articles of impeachment dahil ito ang magiging batayan ng senado sa impeachment trial.

Mamadaliin daw nila ang proseso pero posibleng mapagbotohan pa ang impeachment sa pagbabalik pa ng sesyon sa May 14.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *