Senador Villar, umaming may business interest sa Boracay

Inamin ni Senador Cynthia Villar na may business interest ang kaniyang pamilya sa Boracay sa Aklan.

Kabilang na rito ang Boracay sands na pag-aari ng Vista land at Costa dela Vista.

Pero hindi aniya ito ang dahilan kung bakit tutol siya sa planong pagpapsara sa sikat na tourist destination.

Sen. Cynthia Villar:
“Meron kaming investment a very small investment in Boracay but we are in 139 towns and cities in the Philippines, isang magsara na bayan walang effect sa aming kumpanya so I don’t care”.

Nauna nang inirekomenda ng Department of Interior and Local Government o DILG at Department of Tourism o DOT ang pansamantalang pagpapasara sa Boracay habang ginagawa ang rehabilitasyon at ginigiba ang illegal structure na itinayo malapit sa baybaying dagat.

Pero ayon kay Villar, walang conflict of interest ang kaniyang desisyon na tutulan ang pagpapasara dahil wala naman daw itong magiging epekto sa kanilang negosyo.

Nakasunod din aniya ang kanilang kumpanya sa mga itinakdang requirements ng batas para sa pagtatayo ng resort o anumang istruktura.

Iginiit nito na nag-ooperate na ang Boracay sands nang mabili ito ng Vista land noong 2016 habang joint venture naman ang isa pang Hotel resort.

“I don’t think it will affect our business kahit isara nila ang Boracay. It has been announced all over the paper when we bought that property. It’s a common knowledge and it’s just a small property. They were trying to learn the hotel business lang. It’s a 50-room hotel and if they want to close it, they can close it, it won’t matter to Vista Land”.

Iginiit ni Villar na ang mga dapat ipasara ay ang mga resort na hindi sumunod sa batas at nagtayo ng mga istruktura sa wetland areas.

Pabor rin itong magdeklara ng State of calamity sa isla para mabilis ang rehabilitasyon ng gobyerno.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *