Panahon ng tag-init, hindi pa maidedeklara ng Pag-Asa
Muling bumaba ang temperatura sa Metro Manila kahapon.
Ayon sa Pag-Asa weather forecasting center, 32.6 degress celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Pag-Asa Science garden sa Quezon City, ala-una ng hapon.
Ang San Jose Occidental Mindoro naman ang may pinakamataas na temperatura kahapon na nakapagtala ng 36.6 degrees celsius.
Ayon sa Pag-Asa, dahil sa muling pag-iral ng Northeast Monsoon sa extreme Northern Luzon, hindi pa maideklara ang panahon ng tag-init.
Magdudulot naman ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong mahinang pag-ulan sa Batanes at Cagayan kabilang na ang Babuyan group of islands.
Sa Ilocos provinces naman, bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin ang iiral na may mahinang pag-ulan dahil din sa Northeast Monsoon.
==========