National ID system, aarangkada na ngayong taon kahit hindi pa maisabatas

Sisimulan na ng pamahalaan ang implementasyon ng National ID system, mayroon man o wala pang batas para dito.

Ayon kay National Security adviser Hermogenes Esperon Jr., may inilaan nang 2 bilyong piso ang gobyerno sa Philippine Statistics Authority o PSA para sa nasabing proyekto.

Iginiit ni Esperon na ang national ID system ay hindi makalalabas sa Right to Privacy ng mga mamamayan at hindi magagamit ng gobyerno laban sa mga kaaway ng estado.

Dapat aniyang tingnan ang National ID bilang isang Economic at Social tool na layong ipakita ang pagkakakilanlan ng bawat mamamayan sa bansa.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *