Philhealth, may dagdag benepisyo para sa mga kababaihan bilang pakikiisa sa National Women’s month
Taun-taon ginugunita ng Department of Health o DOH ang buwan ng Marso bilang National women’s month.
Sa pamamagitan ng temang: “Women make change”, nakatuon ito sa kakayahan ng mga kababaihan na baguhin ang takbo ng lipunan o makagawa ng mahalagang bagay na maaaring ikabago ng takbo ng mga bagay sa mundo.
Kaugnay nito, nakikiisa ang Philippine Health insurance corporation o Philhealth sa paggunita ng buwan ng mga kababaihan.
Naniniwala ang Philhealth na napakahalaga rin na bigyang pansin ang kalusugan ng mga kababaihan.
Kaya naman, magkakaloob sila ng karagdagang 2,000 piso para sa mga babaeng ang gamit na contraceptive ay intra-uterine device o IUD.
Bukod dito, may Z-benefit package din para sa Cervical cancer, Breast cancer, Coronary artery disease at sa mga duymaranas ng Kidney disease.
Ngayong araw na ito ay International women’s day.
Ulat ni Belle Surara