Pagkakaroon ng probable cause ng Impeachment case ni Chief Justice Sereno, kahayagan na gumagana ang democratic process-Malakanyang

Kahayagan na gumagana ang proseso ng demokrasya ng bansa ang pag-usad ng Impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ikinagagalak ito ng Malakanyang dahil buhay ang demokrasya dahil ang impeachment proceedings ay isang constitutional process.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos pagbotohan ng House Committee o  Justice na may probable cause ang impeachment case na kinakaharap ni Chief Justice Sereno.

Batay sa naging botohan ng House Committee on Justice 38 ang nagsabing may probable cause ang impeachment case ni Chief Justice Sereno at 4 ang kumontra.

Nauna ng sinabi ng Malakanyang na anuman ang magiging desisyon ng Kongreso sa impeachment case ni Chief Justice Sereno ay igagalang ng Executive department. 

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *