Pagbabawas ng pagpasok ng turista sa Boracay, isa sa tinitingnan ng Senado sa halip na tuluyang ipasara ang isla
Pinalilimitahan ni Senador Nancy Binay ang pagpasok ng mga turista sa Boracay sa Aklan.
Mas mabuting paraan daw ito sa halip na ipasara ang isla.
Katwiran ni Binay, Chairman ng Senate Committee on Tourism, kung ipasasara kasi ang Boracay, malaki ang magiging epekto nito sa turismo bukod pa sa aabot sa mahigit 17,000 katao ang maaring mawalan ng trabaho.
Bukod dito, wala rin aniyang konkretong plano ang Department of Tourism o DOT at Department of Interior and Local Government o DILG dilg kung ano ang gagawing rehabilitasyon sakaling ipasara ang Boracay.
Bukod sa limitasyon ng mga turista, maari naman aniyang ipasira na lang ang mga illegal structures at patawan ng parusa ang mga resort na hindi nakatugon sa hinihinging requirements.
Ulat ni Meanne Corvera