Bureau of Immigration, nagpatupad ng balasahan sa halos 500 kawani nito sa NAIA
Nagpatupad ng balasahan ang Bureau of Immigration o BI sa halos 500 tauhan nito na naka-assign sa Ninoy Aquino International airport o NAIA bilang bahagi ng kampanya ng kawanihan kontra korapsyon.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, isasagawa na nila ang reshuffle ng mga Immigration personnel sa NAIA kada 3 buwan sa halip na 6 na buwan gaya ng nakagawian.
Tiniyak ng BI na walang exempted na kawani nito sa balasahan para maiwasan ang “fraternization” na sinasabing madalas pinagmumulan ng kurapsyon sa pamahalaan.
Layunin din anila ng balasahan na tumaas ang productivity ng mga tauhan ng immigration sa paliparan.
Samantala, magdaragdag ang BI ng mga tauhan sa Immigration counters sa NAIA sa holy week ng mga katoliko para maiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero.
Ulat ni Moira Encina