Malakanyang, walang magagawa kung ayaw mag-resign ni Chief Justice Sereno

Nasa desisyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung patuloy itong magmamatigas at ayaw magbitiw sa kanyang tungkulin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kung patuloy na babalewalain ni Chief Justice Serreno ang panawagan ng mga Court employees maging ng Philippine Judges Association, walang magagawa ang Malakanyang dahil ang Korte Suprema ay isang independent collegial body at hiwalay na ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Roque dapat timbangin ni Chief Justice Sereno ang kanyang desisyon dahil halos buong hudikatura na kanyang pinamumunuan ay ayaw na sa kanyang pamumuno.

Ginawa ni Roque ang pahayag dahil sa lumalawak na panawagan ng mga court employees mula sa Korte Suprema, Lower Courts at maging sa Sandiganbayan na humihingi ng pagbibitiw ni Chief Justice Serreno. 

Patuloy na nagmamatigas si Chief Justice Serreno na huwag magbitiw sa kanyang tungkulin dahil handa niyang ipaglaban ang kalayaan ng Hudikatura at haharapin ang Impeachment trial sa Senado.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *