Asean Defense foreign ministers, napagkasunduan ang kahalagahan ng seguridad at kapayapaan sa South China Sea

Nagkasundo ang mga Foreign Ministers at mga Defense Chief ng Asean member countries ang kahalagahan ng pagpapanatili sa seguridad at kapayapaan sa South China Sea.

Sa inilabas na joint statement ng Asean sa katatapos na Asean Chiefs of Defense forces informal meeting sa Singapore, nakasaad doon ang kahalagahan ng pagsusulong ng kapayapaan sa South China sea para manapatili ang Stability, safety at Freedom of Navigation at over-flight sa pinag-aagawang teritoryo sa nabanggit na karagatan.

Nakasaad pa sa joint statement na para makamit ito ay dapat iwasan ang mga hakbang na magpapalala sa kasalukuyang sitwasyon sa nasabing rehiyon.

Hinihimok din nila ang isa’t-isa na mas pagtitibayin pa ang sa pagitan ng mga Asean members ang Mutual trust and confidence.

 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *