Panibagong acting Prosecutor-General na hahawak sa drug case ng mga bigtime Drug Lords, itinalaga ng DOJ

Nagtalaga ang Department of Justice o DOJ ng panibagong Acting Prosecutor-General na hahawak sa drug case laban sa mga itinuturing na bigtime drug lords na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim at iba pang personalidad.

Kasunod ito ng pagkakabasura ng DOJ Panel of Prosecutors sa kasong illegal Drug trading laban kina Lim, Espinosa, Peter Co at iba pa.

Sa Department order no. 151 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, itinalaga si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon para magsilbing acting Prosecutor-General sa nasabing kaso.

Inatasan ng kalihim sina Fadullon at ang bagong binuong 3-man Panel of Prosecutors na resolbahin ang Motion for Reconsideration na inihain ng PNP-CIDG laban sa resolusyon ng unang panel na nag-abswelto kina Lim at Espinosa, Peter Co at iba pang respondents.

Sa nasabing resolusyon, ibinasura ng naunang DOJ Panel ang reklamo laban sa mga drug personalities dahil sa kakulangan ng ebidensya at inconsistencies sa testimonya ng pangunahing testigo ng CIDG na si Marcelo Adorco.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *