NBI, iimbestigahan ang DOJ Panel of Prosecutors na nagbasura sa Drug case ng mga bigtime Drug Lords

Inatasan na ng Department of Justice o DOJ na imbestigahan ang DOJ Panel of Prosecutors na nagbasura sa kasong iligal na droga laban sa mga itinuturing na Bigtime Drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Sa harap ito ng mga pagbatikos at pagkadismaya lalu na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ng National Prosecution service na i-abswelto sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang isinasangkot sa illegal drug trading sa Eastern Visayas.

Sa Department Order 152 na pimrado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ipinag-utos sa NBI na magsagawa ng case-build up sa posibleng pagkakasala o pananagutan ng mga piskal na nagrekomendang ibasura ang drug case na isinampang PNP-CIDG laban sa mga respondents.

Kung may makikitang sapat na ebidensya ang NBI ay pinasasampahan ang mga ito ng kaso.

Pinagsusumite rin ni Aguirre ang NBI ng report kaugnay sa itinatakbo ng imbestigasyon sa kaniyang tanggapan.

Ang resolusyon na  nag-abswelto kina Lim at Espinosa ay ipinalabas noong Disyembre 2017 nina Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes at Michael Humarang na nagsagawa ng preliminary investigation sa reklamo.

Inaprubahan naman ang ruling nina Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon at Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr.

Sinabi sa resolusyon ng NPS na walang naiprisintang ebidensya ang CIDG para suportahan ang testimonya ng etstigong si Marcelo Adorco na nagdidiin kina Lim at Espinosa at sa iba pang respondents sa kalakalan ng iligal na droga sa Western Visayas.

Una nang nagtalaga si Aguirre ng mga panibagong Panel of Prosecutors at Acting Prosecutor-General na reresolba sa Motion for Reconsideration na inihain ng PNP-CIDG.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *