13-anyos, nagtayo ng sarili niyang bahay
Naengganyong magtayo sa kaniyang sariling bahay ang IOWA middle schooler na si Luke Thill, 13 anyos matapos nitong makapanuod sa youtube.com.
Upang maipatayo ang kaniyang tiny house, tumanggap si Thill ng mga trabaho mula sa kanilang komunidad at nakatanggap din siya ng tulong mula sa ilang wiring and carpeting professionals sa kanilang lugar na humanga sa kaniyang proyekto.
Inabot ng isang taon ang pagtatayo ng tiny house ni Thill na nasa isang bahagi ng lupaing kinatitirikan din ng bahay ng kanilang pamilya.
Ito ay may sukat na 89 square feet at aabot sa 1,500 US Dollars ang kabuuan niyang nagastos sa konstruksyon ng kaniyang bahay.
Makikita sa loob ng kaiyang bahay ag folding table, TV set, seating area at mini-fridge. May hidden storage din ito, smoke alarm at loft area na ginagawang tulugan ni Luke kung gusto niya.
Ang kaniyang tiny house ay ipinost niya sa kaniyang Youtube channel kung saan mayroon na itong mahigit 3 million views.
=============