Mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA, hindi papayagang magbakasyon sa Lenten break ng mga Katoliko
Walang bakasyon sa darating na Holy week ng mga Katoliko ang mga tauhan ng Bureau of Immigration o BI sa NAIA at sa iba pang mga pangunahing paliparan at pantalan sa bansa.
Sinabi ni BI Port operations division Chief Marc Red Mariñas na hindi papayagan ang mga immigration officers na mag-leave o mag-bakasyon bago o hanggang pagkatapos ng nasabing holiday o mula March 20 hanggang April 15.
Ito ay para anya matiyak na sapat ang mga Immigration personnel na magpo-proseso sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe sa long holiday.
Iniutos na rin ng BI ang re-assignment ng mga Immigration officer sa mga paliparan sa Clark, Mactan at Kalibo na mangangailangan ng dagdag na mga kawani dahil sa pagbubukas doon ng mga karagdagang flight.
Ulat ni Moira Encina