Palasyo, tutol na patawan ng parusa ang mga opisyal na nagpapakalat ng pekeng balita
Tutol ang Malakanyang sa panukala sa Senado na parusahan ang mga Government officials na magpapakakat ng fake news.
Sa pagdinig ng Senate committee on information and mass media sa isyu, sinabi ni Presidential communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hindi dapat mga government officials ang parusahan.
Sa kanilang panig kasi, sinisiguro ng Presidential Communications Operations office na totoo at verified ang kanilang inilalabas na impormasyon sa kanilang media platforms.
Tumanggi si Banaag na magkomento kung ano ang depenisyon ng fake news sa pangambang magkaroon ito ng masamang interpretasyon sa isyu ng Freedom of speech at expression.
Handa naman aniya ang facebook na makipagtulungan sa Gobyerno.
Sinabi ni Simon Milner, Vice-President for Public policy ng Facebook Asia-Pacific na maaari umanong mag share ng impormasyon ang Facebook at Gobyerno para maprotektahan ang komunidad o mga users ng Social media sa mga posibleng pag-abuso.
Gumagawa na rin daw sila ng hakbang para tanggalin at i -block ang mga pekeng accounts.
Simon Milner:
“We can collaborate with the government and share information with each other on protecting communities from threats. We can protect our communities by scale by deleting thousands of fake accounts and blocking their names”.
Ulat ni Meanne Corvera