Pagbasa ng sakdal kay Senador Leila de Lima, muling ipinagpaliban

Sa ikaapat na pagkakataon, muling ipinagpaliban ang arraignment sa mga kasong kinakaharap ni Senador Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Naghain kasi ng mosyon ang mga abugado ni De Lima sa Branch 205 na maglabas muna ng ebidensya ng kampo ng prosekusyon sa kasong illegal drug trade laban dito matapos ipawalang sala ng DOJ si Kerwin Espinosa.

Pero itinanggi ng abugado ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon na bahagi ito ng kanilang delaying tactics.

Kinukwestyon rin nito ang ginawang amendments ng Gobyerno sa kasong isinampa laban kay De Lima.

Noong December 2017, pinaamyendahan ng prosekusyon ang kaso laban kay De Lima na sa halip na ang orihinal na illegal drug trade,  conspiracy to illegal drug trade ang isinampa laban dito.

Katwiran ng kampo ni De Lima kung aamyendahan ang kaso, kailangang dumaan ulit ito sa preliminary investigation at palayain muna ang mambabatas.

Atty. Tacardon:

“Nag-file kami ng Motion for production of evidence dahil during the preliminary investigation marami na silang sinabi na mga ebidensya na gagamitin laban kay senador De Lima, so karapatan ng akusado na mabigyan ng kopya ng nasabing ebidensya”.

 

By: Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *