Election gunban, itinakda na sa April 14

 

Ipatutupad na ng Commission on Elections o Comelec sa Abril 14 ang Gunban o pagbabawal sa pagdadala ng baril bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Philippine National Police o PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, kanselado ang Permit to carry firearms o hindi maaaring magbitbit ng baril ang mga gun owners sa panahong ito.

Ang tangi lamang papayagan aniyang magdala ng baril ay ang mga pulis, sundalo, security guard at iba pang Law enforcement agents na naka-duty sa trabaho.

Mahaharap naman sa kasong kriminal ang mga mahuhuling lalabag sa Gunban at makakansela ang lisensya ng mga baril nito.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *