DOJ nilinaw na ang mga Complainant pa lang sa Dengvaxia case ang kailangang dumalo sa pagdinig sa March 23
Nilinaw ng Department of Justice o DOJ na hindi muna kailangang humarap nina dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang respondents sa March 23 hearing nito kaugnay sa Dengvaxia mess.
Ayon kay Panel Chair at Senior Assistant State Prosecutor Rossane Balauag, ang mga complainant munana VACC at Vanguard of the Philippine Constitution ang kanilang inimbitahan para sa unang pagdinig sa reklamo.
Aniya, may mga klaripikason pa o mga tanong pa kaso ang DOJ Panel sa isinampang reklamo ng VACC at Vanguard laban kina Aquino, dating Health secretary Janet Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pang mga DOH officials at maging ng Zuellig Pharma at Sanofi Pasteur.
Sina Aquino ay kinasuhan ng VACC at Vanguard ng Criminal negligence and reckless imprudence, technical malversation, causing undue injuries, at mga paglabag sa Procurement Law.
Ulat ni Moira Encina