Pagbibitiw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ipananawagan ng grupong Akbayan
Naka-wig na nagprotesta ang ilang miyembro ng mga militanteng grupo sa labas ng Department of Justice o DOJ para ipananawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II.
Bukod sa suot na makukulay na piluka, bitbit din ng mga raliyista ang mga plakard na may mga katagang ‘Aguirre Resign’ at ‘Aguirre, Hari ng peke’.
Ito ay kasunod ng pagkakabasura ng DOJ Panel sa kaso laban sa mga bigtime drug lords at pagsasailalim sa tianguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa witness protection program o WPP.
Ayon sa grupong Akbayan at Youth resist, pinapatunayan lang mga nasabing hakbang na peke ang giyera kontra droga at korapsyon ng Duterte government.
Pinakamasaya rin anila ang mga kriminal sa ilalim ng pamahalaang Duterte.
Inakusahan pa ng Akbayan ang Justice secretary na nanganganlong ng mga diktador, drg lords at mga scammer.
Hinamon rin ng Akbayan si Aguirre na baligtarin ang resolusyon sa kaso nina Kerwin Espinosa at bawiin ang paglalagay kay Napoles sa WPP.
Ulat ni Moira Encina