Klase sa Metro Manila, sinuspendi ng Malacañang dahil sa banta ng transport strike
Ipinag-utos ni Pangulong Rodirgo Duterte na muling suspendihin ang klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ngayong araw ng Martes Marso 20.
Sa isang statement na inilabas ni Presidential Spokesman Harry Roque nais ng Pangulo na masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
Ayon kay Roque sa mga nasa lalawigan naman nasa desisyon ng mga Local Government Units ang desisyon ng suspencion ng klase.
Inihayag ng Malakanyang na hindi patitinag ang gobyerno sa banta ng transport groups na kontra sa jeepney modernization.
“From the Office of the Presidential Spokesperson –
On the March 20 suspension of classes In view of actual and / or imminent threats posed by some groups, we are suspending classes at all levels in Metro Manila effective today, March 20, to safeguard the safety of students.
Meanwhile, for those outside Metro Manila, we leave the decision to suspend classes to the sound discretion of local government units (LGUs).
The President has instructed that he will suspend classes even with the slightest threat of a strike to ensure the protection and well-being of students.
We reiterate that the government remains steadfast to modernize our public utility vehicles and will not be bullied or held hostage by some transport groups.”
Ulat ni Vic Somintac