Comelec, tuloy pa rin ang paghahanda sa Barangay at SK Elections
Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Commission on Elections o COMELEC sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa May 14.
Ito ay kahit inaprubahan na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na nagpapaliban sa botohan sa October 8, 2018.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hangga’t walang batas na naipapasa na nagpapaliban ng eleksyon ay itinuturing nilang tuloy ang nasabing halalan.
Mayroon na lang hanggang Biyernes ang Kongreso para magpasa ng Batas para sa postponement ng halalan bago ito mag-adjourn sa March 23.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: