Mga dating Immigration officials na sina Al Argosino at Michael Robles, pinakakasuhan na ng Senado
Inirekomenda ng Senado ang pagsasampa ng kasong Plunder, Graft at Direct bribery laban sa mga dating opisyal ng Bureau of Immigration na sina Al Argosinao at Michael Robles.
Kaugnay ito ng pagtanggap nila ng 50 milyong pisong suhol noong 2016 kapalit ng pagpapalaya sa mahigit 1,300 mga illegal Chinese workers na naaresto sa isang raid sa isang Casino sa Pampanga.
Inaprubahan sa plenaryo ng Senado ang report ng Blue Ribbon committee na nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso.
Ayon kay Gordon, chairman ng komite, bukod kina Robles at Argosino, dapat ring kasuhan ng direct bribery si dating BI Intelligence officer Charles Calima at sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagbigay umano ng go signal kina Robles at Argosino para makipag-usap kay Jack Lam.
Senador Gordon:
Secretary Aguirre was less than prudent in deaking with the situation. He should have possessed sufficient foresight not to deal privately with people who have pending cases with the Department heads”.
Inirekomenda rin nito ang pag-amyenda sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical standards for Public officials kung saan dapat nang ipagbawal ang pakikipag-meeting sa sinumang personalidad na may naka-pending na reklamo o usapin sa kanilang tanggapan.
==================