DOJ, iniutos ang pagsasagawa muli ng preliminary investigation sa Drug case nina Peter Lim at Kerwin Espinosa para bigyang daan ang mga dagdag ebidensya
Itutuloy ng DOJ ang pagsasagawa ng preliminary investigation o clarificatory hearing sa kasong inihain ng PNP-CIDG laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba pang sangkot sa illegal drug trade sa Visayas.
Sa 2-pahinang kautusan na may lagda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, tinukoy na ang layunin nito ay para bigyang-daan ang pagtanggap ng karagdagang ebidensya laban sa mga respondents.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na itintuturing ng Moot ang Motion for reconsideration na inihain ng PNP-CIDG noong Pebrero 20.
Isinasantabi na rin ng DOJ ang resolusyon ng naunang Panel of Prosecutors na nagbasura sa kaso nina Lim dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ang kautusan ni Aguirre na muling magdaos ng preliminary investigation sa kaso ay nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan na magsagawa ng Automatic Review at Prosecution service act of 2010.
Ulat ni Moira Encina