Dating Senador Bong Revilla, muling hiniling sa Korte Suprema na palayain siya pansamantala

 

Muling hiniling ni dating Senador Bong Revilla sa Korte Suprema na pagkalooban siya ng provisional liberty habang dinidinig ang kaso niyang Plunder.

Sa kaniyang urgent motion, inihirit ni Revilla na pagkalooban siya ng pansamantalang kalayaan hanggang sa madesisyunan ang mga main petition niya sa Korte.

Ang kaso ay kaugnay sa pagkakasangkot ni Revilla sa Pork barrel fund anomaly kung saan sinasabing napunta ang Priority development assistance fund o PDAF ng dating senador sa mga pekeng Non-Government organization o NGO’s ni Janet Napoles.

Hiniling din ni Revilla na pigilan ng Supreme Court  ang pag-usad ng paglilitis sa Sandiganbayan sa kanyang kaso sa pamamagitan ng pagpapalabas ng writ of preliminary injunction o restraining order.

Nais din ni Revilla na magtakda ang Korte Suprema ng oral arguments sa kanyang petisyon.

Si Revilla ay nakakulong simula noong Hunyo 2014 dahil sa kasong pandarambong.

Nababahala si Revilla na maubusan na siya ng panahon para makapagprisinta ng ebidensya at madepensahan ang sarili.

Anya sa mahigit limang libong piraso ng mga ebidensya na tinanggap ng anti -graft  court mula sa prosekusyon ay hindi naman malinaw na tinukoy kung ano sa mga nasabing ebidensya ang makagpapatunay ng elemento ng plunder.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *