National ID System, agad na lalagdaan ni Pangulong Duterte- Malakanyang

Hihintayin na lamang ng Malakanyang ang isusumite ng Bicameral conference committee kaugnay ng panukalang batas para sa National identification system.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiyak na lalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas para sa National ID sa oras na matanggap ito ng Palasyo.

Apubado na ng Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng National ID pero kailangan pa ng Bi-cam para maplantsa kung may mga pagkakaiba.

Ayon kay Roque, lumabas noong ika-23 Cabinet meeting ng Pangulo na desidido ang lahat para sa pagpapatupad ng National ID Ssystem at may nailaan ng budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.

Magugunitang ilang administrasyon na ang nagpanukala ng ID Ssystem sa bansa subalit nabinbin dahil sa matinding pagtutol ng mga kumokontra dito lalu ng mga makakaliwang grupo.

Ayon sa Malakanyang, magagamit ang National ID sa paglaban kontra terorismo.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *