Singil sa kuryente, tataas ngayong Abril
Napipinto na naman umanong tumaas ang singil sa kuryente pagpasok ng Abril.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee in Energy, posibleng pumalo 20 sentimos kada kilowatt hour o 15 piso ang madadagdag sa singil kada buwan.
Resulta aniya ito ng mataas na buwis na ipinataw sa coal o carbon dulot ng TRAIN Law.
Sinabi ni Gatchalian na bukod sa mataas na demand sa kuryente dahil sa mainiit na panahon, 50% ng suplay ay galing sa Carbon.
Nakaapekto rin aniya ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.
Sinabi ni Gatchalian na naghahanap na sila ng paraan kung paano mababawasan ang epekto nito lalo na sa mahihirap na consumers.
Isa sa ikinukunsidera ng Senado ay magpasa ng batas para ang Malampaya fund bilang subsidy.
Ulat ni Meanne Corvera