Iba’t-ibang bansa, nakiisa sa Earth Hour

Iba’t-ibang bansa ang nakiisa sa Earth Hour 2018 na layong palakasin ang kamalayan sa epekto ng Climate Change.

Ang Sydney opera house, ang Eiffel tower at Red square sa Moscow….ilan lamang ang mga ito sa mga landmark na nagpatay ng ilaw bilang bahagi ng Global campaign na nilahukan din ng milyong mga tagasuporta sa may 187 mga bansa.

Nagsimula ang Earth hour ng 8:30 ng gabi na inilarawan ng mga organizers bilang “World’s largest grassroots movement for Climate change”.

Nagdilim ang Sydney opera house ganundin ang Harbour bridge sa Australia sa Earth Hour.

 

Maging sa Singapore din ay nagkaroon pa ng countdown habang sa Dubai naman ang mga kalahok ay nagsindi ng kandila.

Ayon sa organizer ng Earth Hour, layon nitong ipaalam ang kahalagahan ng panangalaga sa kapaligiran pati na ng Wildlife.

 

=================

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *