Liberal party, bubuo ng koalisyon para palakasin ang Oposisyon sa 2019
Bubuo na ang Liberal party ng isang resistance coalition na inaasahang magpapalakas sa oposisyon sa 2019 elections.
Ayon kay Senador Bam Aquino, palalakasin nila ang oposisyon para
labanan umano ang diktaturya ng Duterte administration at matiyak na
mapapanatili ang demokrasya sa Pilipinas.
Kasama aniya sa planong pagpapalakas ng oposisyon ang gagawin nilang
paglaban sa giyera kontra droga ng administraston na ang tina-target
lang umano ay pawang mga mahihirap.
Hindi pa masabi ni Aquino kung aling mga political parties ang
posibleng mapabilang sa gagawin nilang koalisyon.
Nauna nang inamin ni Aquino na mahihirapan silang punan ang line-up
para sa 12 Senatorial candidate ng oposisyon sa 2019
Elections.
Ulat ni Meanne Corvera