Tooth decay, maaaring maging sanhi ng Sakit sa Puso
Nananatiling health concern pa rin ng bansa ang pagkakaroon ng tooth decay.
Ayon sa mga eksperto, hindi dapat balewalain ang pagkakaroon ng tooth decay lalo na sa panig ng mga bata.
Ang pagkakaroon ng sirang mga ngipin ay maaari umanong maging sanhi ng sakit sa puso.
Kapag may tooth decay, dalawang uri umano ng sakit sa puso ang maaaring dumapo sa atin.
Kabilang dito ang impeksyon sa balbula ng puso at bara sa ugat ng puso.
Samantala, ayon naman kay Dra. Mel Malabuyo, isang dentista, mahalaga ang “role” na ginagampanan ng mga magulang upang magkaroon ng isang healthy at pearly white teeth ang isang bata.
Dra. Mel Malabuyo:
“Sa mga magulang nakasalalay talaga ang magandang ngipin ng inyong mga anak hanggang sa paglaki…at hindi basta binubunot ang ngipin ngayon, marami nang treatment na ginagawa para mapreserve ang ngipin, hindi na uso ngayon ang puro bunot ng ngipin na lang…hanggat maaari mapanatili natin, hanggang pagtanda natin ung ating natural na ngipin”.
Mainam din na bumibisita sa Dentista upang malaman ang kundisyon ng mga ngipin.
Tandaan natin na ang mga ngiping inaruga mula pagkabata…malusog na mga ngiti, baon sa pagtanda….
Ulat ni Belle Surara