Kampo ni Vice-President Leni Robredo hindi nababahala sa kahihinatnan ng recount
Hindi nababahala si Vice-President Leni Robredo sa kahihinatnan ng recount sa resulta ng nakaraang Vice-Presidential elections noong May 2016.
Kasabay ito ng desisyon ng Presidential electoral tribunal na magsagawa ng manu-manong bilangan sa resulta ng nangyaring botohan.
Ayon kay Robredo, tiwala siya sa kahihinatnan ng bilangan at nanindigang tama ang kaniyang ipinaglalaban.
Pinayuhan rin nito ang mga taga-suporta na walang dapat ikatakot dahil nasa panig siya ng katotohanan.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: