Pag-usad ng protesta ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice-President Leni Robredo, welcome sa Malakanyang


Itinuturing ng Malakanyang na welcome development ang pag-uumpisa ng manual recount ng Presidential Electoral Tribunal o PET sa protesta ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Deputy Executive Menardo Guevarra na mabuting umusad na ang electoral protest sa Vice Presidential post noong 2016 election.

Ayon kay Guevarra sa sandaling matapos ang recount ng PET sa posisyon ng Vice President matatapos na ang iayu kung sino talaga kina Robredo at Marcos ang tunay na nanalo.

Inihayag ni Guevarra na maghihintay din ang Malakanyang sa resulta ng recount.

Opisyal ng sinimulan ng PET ang manual counting ng mga balota sa mga lugar na iprenotesta ni Marcos laban kay Robredo na pinaniniwalaang nagkaroon ng umanoy dayaan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *