Governor Imee Marcos, nagtataka kung bakit minamaliit ng kampo ni Vice-President Robredo ang mga nawawalang Audit logs

Binuweltahan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang pagbalewala ng kampo ni Vice -President Leni Robredo sa mga nawawalang audit logs at mga basang balota sa ilang presinto sa Bato, Camarines Sur.

Ayon sa gobernador, ipinagtataka nila kung bakit minamaliit ng kampo ni Robredo ang mga nadiskubreng problema sa unang araw ng recount kaugnay sa election protest ng kanyang kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos.

Iginiit ni Governor Marcos na napakahalaga partikular na ng audit logs dahil ito anya ay “absolute critical piece of paper” na hinihingi ng batas.

Sinabi pa ni Marcos na sariwa ang pagkabasa ng mga balota na dapat ay weatherproof.

Bukod sa mga basang balota, nawawalang audit logs at sirang ballot box, nabatid din anya sa unang araw ng recount na mayroon ding shade ang mga excess ballots.

Dahil sa mga ito ay sinabi ni Marcos na malinaw na napakialamanan ang mga balota.

Aminado si Marcos na nakaka-praning at ikinagulat nila ang mga nadiskubreng iregularidad sa pagsisimula ng revision dahil garapalan masyado ang pandaraya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *