Senado interesadong malaman ang nadiskubreng shaded na boto kay VP Robredo… Imbestigasyon sa iregularidad sa 2016 Elections sisimulan sa susunod na linggo

Interesado rin ang Senado na malaman ang katotohanansa  mga umano’y pre- shaded na boto para kay Vice-President Leni Robredo ang mga hindi nagamit na balota sa Camarines Sur.

Ayon kay Senate majority leader Vicente Sotto III, posibleng konektado ito sa kaniyang mga ibinunyag na early transmission ng resulta ng boto bago pa man mangyari mangyari ang Eleksyon noong may 2016.

Sinabi ni Sotto na sisimulan na sa April 10 ang pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on automated election system na pinamumunuan ni Senador Francis Escudero  sa mga alegasyon ng iregularidad sa Automated elections noong may 2016.

Kasama sa mga inimbitahan ng Senado ang mga opisyal ng Commission on Elections at Smartmatic.

Inatasan na rin aniya ang Smartmatic na dalhin ang mga dokumento na konektado sa kaniyang mga alegasyon.

Nauna nang ibinunyag ni Sotto sa kaniyang privelege speech ang nangyaring iregularidad kung saan may mga PCOS machine na nag-transmit ng boto sa consolidating canvassing system sa munisipalidad ng Libon sa Albay at Angono, Rizal gayong wala pang nangyayaring halalan.

Kuwestyonable rin ang  foreign access sa resulta ng naganap na eleksyon na hindi umano aprubado ng Comelec en Banc.

Kuwestyonable rin aniya bakit hindi nai -transmit ang 3.86 percent ng election returns na kumakatawan sa 1.7 milyong boto.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *