Iba pang fastfood chain sa bansa susunod na iinspeksyunin ng DOLE kaugnay sa kampanya laban sa iligal na kontraktuwalisasyon
Iinspeksyunin ng Department of Labor and Employment o DOLE ang iba pang mga fastfood chain sa bansa para matiyak kung nakakasunod sa mga labor laws.
Ito ay sa harap ng patuloy na kampanya ng kagawaran laban sa illegal contractualization.
Ayon sa DOLE, susunod nilang inspeksyunin ang McDonalds at KFC.
Noong Marso nagsagawa ng mandatory conference ang DOLE Makati at Pasay Field Offce kasama ang pamunuan ng Chowking at susundan pa ng mga pulong ngayong buwan.
Magsasagawa rin ng mandatory conference ang DOLE sa pamunuan ng Mang Inasal Foods na gaganapin sa Quezon City Fields Office ng kagawaran.
Una na ring inatasan ng DOLE ang Burger King at Jollibee na i-regular ang mga manggagawa nito.
Ulat ni Moira Encina