“Eskuwe-laban” sa paninigarilyo ipatutupad na ng DepEd sa school year 2018-2019


Mahigpit na ipatutupad ng Department of Education ang smoking ban sa lahat ng mga paaralan sa bansa, simula sa school year 2018-2019.

Tinawag ito ng DepEd na “eskuwe-laban” sa sigarilyo.

Katuwang ng DepEd sa naturang smoking ban ang Department of Health o DOH.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahigpit ang kanilang monitoring tungkol sa nasabing programa.

Bahagi ng programang “eskuwe-laban” sa sigarilyo ay ang pamimigay ng training manuals , school bases campaign materials upang bigyang impormasyon ang mga mag aaral sa nasabing smoking ban sa paaralan.

Binigyang diin naman ng DOH na nananatiling sanhi ng iba’t-ibang uri ng sakit ang paniigarilyo kung kaya kailangang ito ay lubos nang matigil.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *