Manok sa Thailand na tinaguriang True Warrior dahil buhay pa rin kahit wala nang ulo

 

                                         photo credit: odditycentral.com

Tinaguriang “true warrior” ang isang manok mula sa Ratchaburi province sa Central Thailand, dahil higit isang linggo na itong nananatiling buhay, matapos maputulan ng ulo.

Ang pugot na manok ay nasa pangangalaga na ngayon ng mga monk at pinakakain sa pamamagitan ng pagpa-pump ng pagkain sa lalamunan nito gamit ang isang syringe.

Walang nakakaalam kung paanong naputol ang ulo ng nasabing manok, pero marami ang may hinalang inatake ito ng isang wild animal.

Nguni’t anuman ang dahilan, lahat ay naniniwalang nakamamatay ang nangyaring pag-atake subalit bukod sa ayaw pang mamatay ng manok, nakakatayo pa rin ito at nakakalakad pa.

Noong una, marami ang naniniwalang peke ito, at ang kumakalat na litrato ay photoshop lang.

Nguni’t hindi ito ang unang pagkakataon na isang manok ang naka-survive nang walang ulo dahil si Mike “the headless” chicken ay naging media sensation din sa pagitan ng 1945 at 1947, matapos manatiling buhay sa loob ng 18 months.

Noong una ay pinaniwalaan ding peke ito, hanggang si Mike ay dalhin ng may-ari sa University of Utah, sa Salt Lake city para ipakitang totoo ito.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *