DSWD, inihahanda na ang action plan para sa mga maaapektuhan ng rehab sa Boracay Island

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang action plan upang makatugon sa magiging epekto ng pagsasara sa isla ng Boracay sa ilang mga residente.

Kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasara sa isla mula April 26.

Sinabi ni DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, makikipag-ugnayan ang kagawaran sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makabuo ng Action plan upang hindi maging negatibo ang epekto ng nakatakdang pagsasara sa isla.

Ayon kay Leyco ilan sa mga posibleng problema na kaharapin ng mga residente partikular ang mga benepisyaryo ng DSWD at Senior citizens ay ang pagkawala ng kanilang bahay na tinitirahan at ng kabuhayan.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *