Presyo ng bigas inaasahang lalo pang tataas dahil sa planong pagbuwag sa NFA council

Nagbabala ang oposisyon na lalo pang tataas ang presyo ng bigas sa merkado dahil sa planong pagbuwag sa National Food Authority o NFA council.

Hindi umano solusyon ang pagbuwag sa NFA council dahil lalo lamang lalala ang problema sa suplay ng bigas sa bansa.

Paaalala ni Senador Francis Pangilinan binuo ang NFA council para magsilbing bantay laban sa korapsyon gaya ng overpricing at smuggling ng bigas.

Katunayan bago aprubahan ang anumang rice importation, kailangan pa itong pa-abrubahan sa NFA council na binubuo ng NEDA, BSP, DOF at DTI.

Hinala ni Pangilinan, tinanggal ang NFA council  matapos nilang kwestyunin ang hakbang ng NFA na magpakalat ng 265 percent ng bigas sa mga traders na naging dahilan ng pagkaubos ng suplay.

Sa mga nauna aniyang pagdinig ng Senado, inamin ng mga magsasaka at retailer na ang NFA rice ay dina-divert, nire-repack, at binebenta bilang commercial rice sa dobleng presyo ng mga piling traders na isang malinaw na may nangyayaring katiwalian.

Sa ilalim rin aniya ng pagpapatakbo ng NFA Administrator na si Jason Aquino pinaalis ang mga NFA port officers na nagbabantay kontra rice smuggling kasabay ng pagkawala ng suplay ng NFA rice sa mga palengke at pagmahal rin ng presyo ng kada kilo ng bigas.

Senador Pangilinan:

Maliwanag na merong alegasyon na dina-divert ang mga stocks hindi nila sinasagot ang mga tanong releases ng NFA rice sa merkado ano ang paliwanag ng NFA dito”.

Sinabi naman ni Senador Bam Aquino, kung seryoso ang gobyerno na solusyunan ang problema sa bigas, si Aquino ang dapat tanggalin at hindi ang NFA council na nagsisilbng safeguard sa korapsyon.

Iginiit naman ni Pangilinan na ang pag-abolish sa NFA Council ay hindi puwedeng gawin ng anumang executive decree at kailangan pa itong aprubahan  ng kongreso.

 

Ulat ni Meanne Corvera

sa ngayon, dinidinig na sa committee on agriculture na pinamumunuan ni senador cynthia villar ang panukalang rice tarrification kung saan ikinukunsidera ang tuluyang pagbuwag sa nfa.

Hindi naman raw kasi nagagawa ng nfa ang tunay na mandato na tiyaking may mura at sapat na suplay ng bigas para sa mga mahihirap

Maghahanap na lamang aniya ng pondo para sa retirement benefits ng mga empleadong maaring mawalan ng trabaho oras na tuluyang buwagin ang nfa

Sot sen villar apr 3 –ambush

(nag usap kami ng dept of finance kasi if i aabolish sila we have to have budget para sa retirement ng mga tao, maraming ire retire 4k so if recommendation ay tanggalin ang nfa then we have to provide for the retirement of the people)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *