Mas pinalakas na Anti-Hospital deposit law, aplikable sa lahat ng mga Pampubliko at Pribadong pagamutan sa bansa
Aplikable sa lahat ng pribado at pampublikong pagamutan o ospital sa bansa ang mas pinalakas na Anti-Hospital Deposit Law.
Sa panayam ng programang Serbisyo ng Agila kay Senador Risa Hontiveros, ipinaliwanag nito na bagamat karamihan sa mga ospital sa Pilipinas ay compliant na sa nasabing batas pero nakalulungkot na ang ilan sa mga private hospitals ay hindi pa rin sumusunod sa ipinatutupad na batas.
Sakop din ng Anti-Hospital deposit law ang mga buntis at nanganganak lalu na ang mga itinatakbo sa Emergency room upang matiyak na sila ay mapagkakalooban ng karampatang atensyong medikal bago sila hanapan ng paunang pambayad.
Sa mga ospital o pagamutan na tutupad naman sa nasabing batas ay may nakalaang mga insentibo para sa kanila.
Pero ang mga health facilities na masusumpungang lalabag sa nasabing batas ay maaaring pagmultahin ng 100 libong piso hanggang isang milyong piso at maaari pang mapawalang bisa ang kanilang license to operate kapag umabot sa ikatlong paglabag.
=============