DOJ, sisimulan bukas ang Preliminary investigation sa kasong iligal na droga laban sa mga Drug personalities na sina Espinosa at Lim

 

Sisimulan na bukas April 12 ng bagong DOJ Panel of Prosecutors ang kasong illegal drug trading na  isinampa ng Philippine National Police o PNP laban sa mga itinuturong bigtime drug personalities na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pa.

Ang bagong panel na itinalaga ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II ay binubuo nina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Assistant State Prosecutor Anna Norren Devanadera, at Prosecution Attorney Herbert Calvin Abugan.

Itinakda ang pagdinig sa ganap na 1:00 ng hapon.

Layunin ng imbestigasyon na makapag-prisinta ang pulisya ng karagdagang ebidensya laban sa mga respondents.

Noong nakaraang linggo hiniling ni Peter Lim na magsagawa ng hiwalay na Preliminary investigation sa kaso laban sa kanya.

Ibinasura ng naunang DOJ panel ang kaso laban sa mga drug personalities dahil sa kakulangan ng ebidensya na umani ng mga pagbatikos.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *